Kamara pinagtatakda ng mga parameters upang matulungan ang mga empleyado ng broadcast industry
Hinikayat ni House Committee on Public Information Chair at Kabayan Rep. Ron Salo sa Kamara na magtakda ng parameters at bisitahin ang ilang mga batas na magpapalakas sa legislative franchises sa media industry.
Ayon kay Salo, dapat na samantalahin ang deliberasyon sa ABS-CBN franchise renewal at tingnan na rin ang ibang broadcast industry na kumukuha ng kaparehong pribelehiyo sa Kamara para tulungan ang mga ito na palakasin ang kanilang impact at responsibilidad sa bawat empleyado.
Ilan sa mga ipinalalatag na parameters ay ang pagtiyak na nasusunod ng mga broadcast media outfit ang labor laws and standards, naisusulong ang kapakanan ng mga media workers, at naipo-promote ang Filipino values.
Dagdag pa sa parameters ang pagiging patas sa pagbabalita o paghahatid ng impormasyon, at abot-kayang political ads upang lahat ng kandidato ay may kakayahang mapakinggan ang kanilang plataporma sa pamamagitan ng media.
Pinasisilip din ang isyu ng contractualization at kawalan ng security of tenure sa mga broadcast network gayundin ang kawalan ng maayos na benepisyo at insentibo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.