Resolusyon na nagpapataw ng partial travel bansa South Korea inilabas na ng inter-agency task force
Pormal nang inilabas ng inter-agency task force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang resolusyon na naglalatag ng alituntunin sa pagpapatupad ng partial travel ban sa South Korea.
Nakasaad sa resolusyon na sakop ng ban ang mga biyahero mula at patungo ng North Gyeongsang Province kabilang ang Daegu City at Cheongdo.
Hindi naman sakop ng ban ang mga Filipino citizens, kabilang asawa at mga anak na holder ng permanent resident visa sa South Korea.
Ang mga Pinoy galing sa South Korea ay maari ding umuwi ng Pilipinas pero sasailalim sila sa 14 na araw na quarantine period.
Bawal din muna umalis ang mga turistang Pinoy patungong South Korea.
Pero ang mga OFW ay pwedeng umalis kabilang ang mga returning OFWs maging ang mga newly-hired.
Papayagan din na umalis ang mga nag-aaral sa South Korea.
Ang naturang resolusyon ang hinihintay ng Bureau of Immigration (BI) para ganap na maipatupad ang travel ban.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.