Kinumpirma ng health ministry office ng Nigeria na mayroon nang positibong kaso ng COVID-19 sa Lagos State.
Bago ito sinabi ng Nigeria Centre for Disease Control (NCDC) na mayroon silang 11 suspected cases COVID-19.
Lahat ito ay sinuri at isa ang nagpositibo.
Pinakakalma naman ang mga mamamayan ng Nigeria kasunod ng pagkakaroon na ng unang kaso ng sakit.
MOST READ
LATEST STORIES