Unang kaso ng COVID-19 naitala sa Nigeria
By Dona Dominguez-Cargullo February 28, 2020 - 11:00 AM
Nakapagtala na rin ng unang kaso ng COVID-19 sa Nigeria.
Kinumpirma ng health ministry office ng Nigeria na mayroon nang positibong kaso ng COVID-19 sa Lagos State.
Bago ito sinabi ng Nigeria Centre for Disease Control (NCDC) na mayroon silang 11 suspected cases COVID-19.
Lahat ito ay sinuri at isa ang nagpositibo.
Pinakakalma naman ang mga mamamayan ng Nigeria kasunod ng pagkakaroon na ng unang kaso ng sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.