Remittances posibleng maapektuhan ng COVID-19 outbreak

By Dona Dominguez-Cargullo February 28, 2020 - 07:19 AM

Nanganganib ang kinabukasan ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) sanhi nang epekto ng coronavirus disease (COVID-19).

Iyan ay kahit pa alisin ng gobyerno ng Pilipinas ang travel ban patungong Mainland, China at sa tatlo pang mga lugar na apektado ng Coronavirus.

Kamakailan ay ipinagbawal ng gobyerno ang pagbiyahe patungo at palabas ng Mainland, China, Hong Kong, Macau, at Taiwan sa layunin na matigil ang pagkalat ng virus.

Sa pinakahuling press conference ay Ipinaliwanag ni Health Undersecretary Eric Domingo, na tanging mga Filipinos at holders ng permanent Philippine resident visas mula sa mga nabanggit na mga lugar ang maaring makapasok sa Pilipinas, pero kinakailangan na sumailalim sa mandatory quarantine.

Sa kasalukuyan, ayon sa Labor officials ay mahigit 300 Filipinos na nagtatrabaho sa China, Hong Kong and Macau ang apektado ng travel ban ng Pilipinas.

Sa gitna ng krisis na ito na kinakaharap ng buong mundo ay nanawagan naman ang World Health Organization ng pagkakaisa para sugpuin ang COVID-19.

Gayunman, mas naging makabuluhan sana ang hakbang na ito ng WHO kung binigyan-pansin ang babala noong February 7 ni Dr. Li Wenliang, ang kauna-unahang nagsiwalat ng Coronavirus outbreak noong December 2019 sa Wuhan.

Ilang araw bago siya pumanaw, sinabi ni Li na naiwasan sana ang paglaganap kung nakinig lamang at agad na umaksiyon ang Chinese Officials sa halip na pigilan siya at itago ang impormasyon sa publiko.

“If the officials had disclosed information about the epidemic earlier. I think it would have been a lot better. There should be more openness and transparency.” Ayon sa babala noon ni Wenliang.

Samantala, ayon naman sa World Health Organization (WHO), medyo maaantala pa ang paghahanap ng gamot sa COVID-19 habang isinasagawa ang malalimang imbestigasyon para matukoy ang pinagmulan ng virus at para maiwasan ang pagsalin ng sakit mula sa hayop patungo sa tao.

TAGS: coronavirus disease, COVID-19, department of health, Health, Inquirer News, OFWs, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, remittances, Tagalog breaking news, tagalog news website, coronavirus disease, COVID-19, department of health, Health, Inquirer News, OFWs, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, remittances, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.