Nasawi sa COVID-19 sa Iran umakyat na sa 26; mataas na opisyal ng bansa kabilang sa tinamaan ng sakit

By Dona Dominguez-Cargullo February 28, 2020 - 07:11 AM

Sa nakalipas na magdamag ay nakapagtala ng pitong panibagong nasawi sa Iran dahil sa COVID-19.

Umakyat na sa 26 ang bilang ng mga nasawi sa Iran dahil sa sakit habang mayroong 245 na kumpirmadong kaso, kabilang ang mahigit 100 panibagong kaso na naitala sa magdamag.

Kabilang sa tinamaan ng sakit ang ilang matataas ma opisyal sa Iran.

Sa ulat ng State Television ng Iran, positibo na sa COVID-19 si Masoumeh Ebtekar, ang vice president for women and family affairs ng bansa at si Deputy Health Minister Iraj Harirchi.

Dahil sa outbreak gn COVID-19 nanawagan na ang Health Ministry Authorities sa mga mamamayan na iwasan na lamang muna ang pagdaraos ng sabayang pagdarasal upang maiwasan ang pagtitipon ng maraming tao.

 

TAGS: coronavirus disease, COVID-19, deathtoll, department of health, Health, Inquirer News, Iran, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, coronavirus disease, COVID-19, deathtoll, department of health, Health, Inquirer News, Iran, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.