Chinese patay makaraang pagnakawan ng mga kapwa niya Chinese sa Makati

Nasawi ang isang Chinese National makaraang pagnakawan ng mga kapwa niya Chinese habang nasa isang restaurant sa Brgy. Bel Air sa Makati City.

Ayon sa Makati Police, kumakain sa restaurant sa N. Garcia St., ang biktimang si Yin Jian Tao, 33 anyos nang makitang wala nang buhay at tadtad ng tama ng bala ng baril.

Isa pang Chinese ang nakita ring sugatan na kinilalang si Zheng Kai, 25 anyos.

Ayon kay Police Col. Rogelio Simon, pagnanakaw ang kanilang tinitignang motibo sa insidente.

Naaresto ng mga otoridad ang dalawang suspek na pawang Chinese din na kinilalang sina Yang Chao Wen, 32 at Liang Yuan Wu, 29 anyos.

Nakuha sa mga suspek ang bag na naglalaman ng P345,000 na pag-aari umano sa biktima.

Mahaharap ang dalawa sa kasong robbery with homicide habang pinaghahanap pa ang isa pang nakatakas na suspek.

Read more...