3 Pinoy na naka-quarantine sa New Clark City sa Tarlac dinala sa ospital matapos makitaan ng sintomas ng trangkaso

Tatlong Pinoy na inilikas mula sa MV Diamond Princess ang nakitaan ng sintomas ng trangkaso dahilan para dalhin sila sa ospital.

Inilabas pansamantala sa quarantine area sa New Clark City sa Tarlac ang tatlo at dinala sa Jose B. Lingad Hospital.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, may ubo at sipon ang tatlo.

Kinuhanan na ng nose at throat swabs ang tatlo at ipinadala ito sa Research Institute for Tropical Medicine para masuri.

Una nang nag-negatibo sa COVID-19 ang lahat ng inilikas na Pinoy bago sila ibinalik sa Pilipinas.

Habang naka-quarantine ay dalawang beses silang minomonitor para mabantayan kung magkakaroon sila ng flu-like symptoms.

Read more...