Higit 1,000 sa Camarines Sur, isinailalim sa culling dahil sa ASF
By Angellic Jordan February 27, 2020 - 07:22 PM
Kinatay ang mahigit 1,000 baboy sa dalawang bayan sa Camarines Sur, ayon sa Department of Agriculture (DA) Bicol.
Ito ay matapos magpositibo ang mga baboy sa African Swine Fever (ASF).
Ayon kay Emilia Bordado, tagapagsalita ng DA Bicol, 96 baboy ang kinatay sa Barangay Sta. Salud at San Vicente sa bayan ng Calabanga.
Nasa 1,149 baboy naman ang kinatay sa apat na baranagy sa bayan ng Bombon.
Nasa kabuuang 1,245 baboy ang nakatay sa nasabing probinsya ngayong linggo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.