ABS-CBN, ‘grateful and humbled’ sa pagtanggap ni Pangulong Duterte sa kanilang sorry
“Grateful and humbled”
Ito ang naging pahayag ng ABS-CBN sa pagtanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang paghingi ng tawad.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ng TV network na patuloy silang makikipag-ugnayan sa opisina ng pangulo ukol sa pagbibigay ng donasyon sa isang charitable institution.
Inihayag kasi ng Punong Ehekutibo na wala siyang balak na tanggapin ang P2.6 milyong refund ng ABS-CBN dahil sa hindi pagkaka-ere sa kanyang campaign materials noong 2016 presidential elections.
“ABS-CBN remains committed to becoming a better organization and to continue to provide more meaningful service to Filipinos,” dagdag pa ng TV network.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.