American Red Cross naghigpit sa mga blood donors kaugnay sa Zika virus

By Den Macaranas February 03, 2016 - 03:23 PM

Zika virus
Inquirer file photo

Naglabas ng advisory ang American Red Cross para sa kanilang mga regular na blood donor na palampasin muna ang 28-day period kung sila ay nanggaling sa mga bansang apektado ng Zika virus.

Ang nasabing self-deferral notice ay inilabas ng Red Cross makaraan silang kalampagin ng American Association of Blood Banks nang maitala ang unang kaso ng Zika infection sa Texas noong Lunes.

Pero sa paunang imbestigasyon ng mga health officials sa Texas, posible umanong sa pakikipagtalik at hindi sa kagat ng lamok nakuha ang Zika virus na tumama sa isang biktima doon na hindi na nila pinangalanan pa.

Ipinaliwanag naman ni American Red Cross microbiologist Susan Stramer na dapat ding mag-report sa kanilang mga tanggapan ang mga blood donor na nakapagbigay na ng kanilang mga dugo subalit makalipas ang 14-days ay dumanas ng ilang mga sintomas ng taong may Zika virus.

Kabilang sa mga ito ay ang lagnat, pananakit ng katawan, rashes at mataas na body temperature.

Kaagad daw nilang ihihiwalay ang naibigay na dugo ng sinumang magre-report sa kanilang tanggapan na dumaranas ng nasabing mga sintomas.

Kabilang naman sa mga tinututukang bansa ng U.S na posibleng pagmulan ng mga biktima ng Zika virus ay ang Mexico, Caribbean at mga bansa sa South America.

Noong lunes ay itinaas na ng World Health Organization (WHO) sa International public health emergency ang status ng Zika sa buong mundo dahil sa mabilis na pagdami ng mga nahahawaan nito.

TAGS: American Red Cross, WHO, Zika, American Red Cross, WHO, Zika

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.