Ginagawang pagdinig ng dalawang komite sa Kamara sa isyu ng kuryente kinuwestyon ng ilang kongresita

By Erwin Aguilon February 27, 2020 - 12:13 PM

Kinuwestyon ng ilang mga mambabatas ang ginagawang pagdinig ng House Committee on Good Government at Public Accounts may kaugnayan sa isyu ng kuryente sa bansa.

Sa pagdinig ng mga nasabing komite tinanong nina Philreca Rep. Presley de Jesus, Deputy Speakers Johnny Pimentel at Prospero Pichay kung bakit ang komite nina Anakalusugan partylist Rep. Michael Defensor at Bulacan Rep. Jonathan Alvarado ang nagsasagawa ng pagdinig.

Paliwanag ng mga nasabing mambabatas, ang House Committee on Energy ang may hurisdiksyon sa usapan dahil tungkol sa enerhiya ang pinag-uusapan.

Ayon naman kay Defensor, ang House Committee on Rules ang nag-refer nito sa Public Accounts Committee na kanyang pinamumunuan at sa Committee on Good Governance ni Alvarado.

Sabi ni Defensor hindi niya makuwestyon ang komite dahil dito katulad din ng sa ibang komite kapag na-refer sa kanila ang isang resolusyon upang imbestigahan at talakayin.

Sa nasabing pagdinig tinalakay ang mga pagkakautang ng mga electric company gayundin ng mga independent power producers sa Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation o PSALM.

Sabi naman ni PSALM President and Chief Operating Officer Atty. Irene Besido-Garcia, naiulat na nila ito sa Committee on Energy bukod pa sa nakabinbin sa korte ang iba nilang mga singilin at dahil sa ipinalabas na Temporary Restraining Order (TRO) ay wala silang magawa.

TAGS: House Committee on Good Government at Public Accounts, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Philreca, power, Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation, power supply, PSALM, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, House Committee on Good Government at Public Accounts, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Philreca, power, Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation, power supply, PSALM, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.