“Package of assistance” ipagkakaloob ng OWWA sa mga Pinoy repatriates mula sa MV Diamond Princess

By Ricky Brozas February 27, 2020 - 11:55 AM

Napagpasyahan na ng Board of Trustees ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA ang “package of assistance” o mga ayuda na ipagkakaloob sa mga Pilipinong crew ng MV Diamond Princess na inilikas mula sa Japan dahil sa COVID-19.

Ayon kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, ang handog ng pamahalaan sa mga tauhang Pinoy ng cruise ship ay financial, transport, at livelihood assistance.

Aniya, gaya ng naunang nabanggit ay tatanggap ng P10,000 tulong pinansyal ang bawat Diamond Princess seafarer o crew.

Mayroon ding ibibigay sa kanila na transportation assistance mula Maynila hanggang sa makarating sa kanilang home region o probinsya.

Sinabi ni Cacdac na mayroong nakahandang P20,000 livelihood grant para sa mga tripulante at crew ng MV Diamond Princess na ibibigay sakaling magdesisyon sila na permanente nang manatili o hindi na aalis ng Pilipinas.

Ayon sa opisyal, sa oras na makumpleto ang mandatory 14-day quarantine sa New Clark City sa Tarlac, matatanggap na ng mga Pinoy crew member ng MV Diamond Princess ang mga nabanggit na ayuda.

Ani Cacdac, nawa’y malaki ang maitutulong ng mga ayuda sa mga tinawag niyang magigiting na Diamond Princess seafarers, na karamihan ay nagtrabaho pa sa cruise ship sa kabila ng mga naitalang kaso ng COVID-19 doon.

TAGS: Assistance, coronavirus disease, COVID-19, department of health, Filipino Crew, Health, Inquirer News, Japan, MV Diamon Princess, OWWA, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, quarantine period, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Assistance, coronavirus disease, COVID-19, department of health, Filipino Crew, Health, Inquirer News, Japan, MV Diamon Princess, OWWA, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, quarantine period, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.