POGO policy at POGO workers hindi muna gagalawin ni Pangulong Duterte

Photo grab from PCOO FB live video
Walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na sabayan ang ginagawang imbestigasyon ng kongreso ukol sa polisiya at mga manggaggawa sa Philippines Offshore Gaming Operators o POGO.

Ayon sa pangulo, hinintayin niya muna na maging klaro na ang sitwasyon.

Kapag natapos na aniya ang kongreso at hindi na malabo ang tunay na kalagayan ng mga pogo workers saka siya magsisimulang pag aralan o paimbestigahan ito.

Sa ngayon, sinabi ng pangulo na hihintayin niya munang matapos ang ginagawang pagbusisi ng kongreso.

“I will wait for this thing to settle down. I will not investigate when there’s a flurry of, you know, actions being taken here and there and also with the — the investigation sa China. It would be prudent for me, I think, to just wait,” ayon sa pangulo.

Ilan sa mga isyung bumabalot ngayon sa pogo workers ang prostitusyon, ilegal workers, hindi pagbabayad ng tamang buwis, magagaspang na pag-uugali ng mga Chinese at iba pa.

Read more...