State of calamity idineklara ni Pangulong Duterte sa Region 4A
Nagdeklara ng state of calamity si Pangulong Rodrigo Duterte sa buong Region 4-A.
Ang deklarasyon ay bunsod ng pagputok ng Bulkang Taal at sakop ng state of calamity ang Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.
base sa proclamation number 906, naging malawak ang danyos sa mga ari-arian at nalagay sa peligro ang buhay ng libu-libong residente sa Calabarzon.
Tatagal ang state of calamity ng isang taon maliban na lamang kung babawiin na ng pamahalaan.
Dahil nasa ilalim na ng state of calamity ang Calabarzon, maari nang magamit ang emergency funds ng Calabarzon para sa rescue, recovery, relief at rehabilitation at para masiguro ang pagbibigay ng pangunahing serbisyo sa mga apektadong residente.
Inaatasan din ang lahat ng mga concerned agencies at iba pang departamento ng pamahalaan na makipag-ugnayan sa isa’t isa at sa lokal na pamahalaan para mabilis na makabangon ang mga naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal.
Inaatsan din ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na siguruhin na maayos na maipatutupad ang peace and order sa Calabarzon.
Nilagdaan ng pangulo ang proclamation number noong February 21.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.