Dating FHM model na naaresto sa buy-bust sa Taytay iniharap sa media

Iniharap sa media ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dating FHM model na naaresto matapos mahulihan ng ilegal na droga.

Nakilala ang naaresto bilang si Charlene “Cindy” Mecayer.

Ayon kay Gregorio Ramos Pimentel, Deputy Director General for Operations ng PDEA, naaresto si Charlene “Cindy” Mecayer sa Greenwoods Executive Village, Brgy. Sta. Ana sa Taytay, Rizal.

Isinagawa ng mga tauhan ng PDEA ang operasyon laban kaky Mecayer at hinuli ito nang magbenta shabu at ecstasy sa poseur buyer.

Nakuhaan siya humigit-kumulang 10 gramo ng hinihinalang shabu, tatlong tableta ng umano’y ecstasy, at siyam na improvised tooter.

Read more...