Total revamp ipinatupad sa mga tauhan ng BI sa NAIA

By Dona Dominguez-Cargullo February 27, 2020 - 10:36 AM

Nagpatupad si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente ng total revamp sa mga BI personnel sa NAIA terminals 1, 2 at 3.

Ginawa ni Morente ang utos kasunod ng pagkakalantad sa “Pastillas Scheme” sa paliparan na kinasasangkutan ng ilang tauhan ng BI.

Ayon kay Morente, effective immediately ang total revamp sa mga Port Operations Division (POD) Deputies, Terminal Heads hanggang sa counter personnel sa NAIA.

Tanging ang pinuno ng POD ang hindi sakop ng revamp dahil ang Department of Justice (DOJ) ang magdedesisyon para dito.

Sinabi ni Morente na ang revamp ay tugon din ng ahensya sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Una nang nagpatupad ng bagong protocols ang BI sa paliparan kabilang ang pagdaragdag ng CCTV cameras sa lahat ng primary inspectors.

TAGS: BI, BI personnel, CCTV cameras, Inquirer News, NAIA, Pastillas scheme, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, BI, BI personnel, CCTV cameras, Inquirer News, NAIA, Pastillas scheme, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.