Magnitude 4.3 na lindol tumama sa Makilala, Cotabato
Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang bayan ng Makilala sa North Cotabato.
Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 14 kilometers southwest ng Makilala 9:03 ng umaga ng Huwebes (Feb. 27).
Ayon sa Phivolcs, may lalim na 11 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin nito.
Naitala ang sumusunod na intensities bunsod ng naturang lindol:
Intensity V – Kidapawan City; Tulunan, Cotabato
Intensity III – Bansalan at Hagonoy, Davao Del Sur
Naitala din ang sumusunod na Instrumental Intensities:
Intensity IV – Kidapawan City
Intensity III – Malungon, Sarangani
Intensity II – Koranadal City; Tupi, South Cotabato
Intensity I – Alabel, Sarangani; Davao City
Hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.