Janine Gutierrez iniwanan ng kaniyang driver habang nagwi-withdraw sa ATM sa Makati

By Dona Dominguez-Cargullo February 27, 2020 - 09:17 AM

Ikinuwento ng aktres na si Janine Gutierrez ang nakakatuwang pangyayari nang maiwanan siya ng kaniyang driver habang siya ay nagwi-withdraw sa ATM sa Makati City.

Ibinahagi ni Janine ang kwento sa pamamagitan ng tweet na inumpisahan niya sa salitang “Lahat talaga nang-iiwan”.

Ayon kay Janine, binuksan niya ang kotse para ibalik ang kaniyang cellphone at kunin ang kaniyang wallet.

Matapos ito ay tumawid siya sa kabilang bahagi ng kalsada para mag-withdraw.

Pagbalik niya ay wala na ang kaniyang driver at wala na rin nag kotse.

Inakala umano ng driver na sakay niya na si Janine kaya umalis na ito.

Naghanap pa ang aktres ng mahihiraman ng cellphone para matawagan niya ang kaniyang ama upang tawagan ang driver na siya ay balikan.

Ayon kay Janine, nakarating na ng Mandaluyong City ang driver nang hindi namamalayan na hindi siya nito sakay.

TAGS: atm, Inquirer News, Janine Gutierrez, makati city, Mandaluyong, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, showbiz, Tagalog breaking news, tagalog news website, atm, Inquirer News, Janine Gutierrez, makati city, Mandaluyong, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, showbiz, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.