Mike Pence itinalaga ni Trump para pamunuan ang laban ng US sa COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo February 27, 2020 - 08:18 AM

Itinalaga ni US President Donald Trump si Vice President Mike Pence para pamunuan ang pagtugon sa COVID-19 cases sa Amerika.

Sa kaniyang talumpati, inanunsyo ni Trump na pangungunahan ni Pence ang pagtugon ng Estados Unidos sa COVID-19.

Ayon kay Trump si Pence ang direktang makikipag-ugnayan sa mga health professional at iba pang may kaugnayan sa pagtugon sa sakit.

Lahat naman ng update ay iuulat ni Pence kay Trump.

Sinabi ni Trump na dahil sa ginagawang hakbang ng pamahalaan para maiwasan ang paglagap pa ng sakit ay nananatiling mababa ang banta nito sa mga mamamyan ng Amerika.

Numero uno aniyang prayoridad ng pamahalaan ang kalusugan at kaligtasan ng kanilang mamamayan.

TAGS: coronavirus disease, COVID-19, department of health, Health, Inquirer News, mike pence, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, US, coronavirus disease, COVID-19, department of health, Health, Inquirer News, mike pence, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.