Bulkang Taal muling nagbuga ng usok na umabot sa 300 metro ang taas – PHIVOLCS

By Dona Dominguez-Cargullo February 27, 2020 - 08:14 AM

Nakapagtala ng ‘moderate’ na pagbubuga ng steam-laden plumes sa Bulkang Taal kagabi na umabot sa 300 meters ang taas.

Ayon sa Phivolcs nangyari ito alas 9:00 ng gabi at mayroon ding ikalawang pagbuga ng usok alas 3:00 ng madaling araw kanina.

Sinabi ng Phivolcs na walang kasamang abo o lava na ibinuga ang bulkan.

Sa nakalipas na magdamag, nakapagtala ng 34 na volcanic earthquakes sa Bulkang Taal na pawang mahihina lamang.

Nananatiling nakataas ang Alert Level 2 sa Taal Volcano at pinapayuhan ng Phivolcs ang publiko na iwasan ang pagpasok sa Taal Volcano Island dahil maari pa ring magkaroon ng phreatic explosions, volcanic earthquakes, ashfall at pagbubuga ng volcanic gas.

TAGS: Alert Level 2, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Philippine Media, Radyo Inquirer, Taal Volcano, Tagalog breaking news, tagalog news website, Alert Level 2, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Philippine Media, Radyo Inquirer, Taal Volcano, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.