Malacañang kinontra ang ulat ng oposisyon na si PNoy ang dahilan sa pagkamatay ng SAF 44

By Alvin Barcelona February 03, 2016 - 03:10 PM

malacanang-fb-0723
Inquirer file photo

Dumepensa agad ang Malacañang kontra sa report ng independent bloc sa Kamara patungkol sa mamasapano incident.

Base kasi sa findings ng 3-man independent bloc na inilahad ni Leyte Rep. Martin Romualdez, liable si Pangulong Noynoy Aquino sa pagkamatay ng tinaguriang SAF 44 dahil sa mistulang pag-iisyu nito ng stand down order sa tropa ng gobyerno.

Pero sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, malinaw na napatunayan sa mga nakalipas pagsisiyasat na walang stand down order na ibinibigay ang Pangulo sa mga miyembro ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines na tutulong sana sa mga noo’y napapalaban na pwersa ng Special Action Force sa Mamasapano Maguindanao.

Muling nanindigan si Coloma na ang dahilan kung bakit tumaas nang ganoon ang bilang ng casualties sa Mamasapano encounter ay dahil sa kabiguan ni dating SAF Chief Getulio Napeñas na ibigay ang tamang coordinates sa mga tropang dapat ay aalalay sa napalabang tauhan ng elite force ng PNP.

 

TAGS: Kamara, Malacañang, mamasapano, Minority report, saf 44, Kamara, Malacañang, mamasapano, Minority report, saf 44

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.