Amihan muling umiral, apektado ang extreme Northern Luzon
Muling bumalik ang pag-iral ng Amihan at apektado na muli nito ang Extreme Northern Luzon.
Ayon sa PAGASA, ngayong araw ang Batanes at Babuyan Islands ay makararanas ng maulap na papawirin na may mahihinang pag-ulan dahil sa Amihan.
Ang Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng Luzon ay makararanas lang ng bahagya hanggang sa maulap na papawirin na may mahihinang isolated na pag-ulan.
Localized thunderstorms naman ang iiral sa Visayas at Mindanao.
Ayon kay PAGASA weather specialist Chris Perez, ngayong araw hanggang bukas ay lalakas pa ang Amihan at maaapektuhan ang iba pang bahagi ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.