Jackpot prize Grand Lotto 6/55 at Mega Lotto 6/45 kapwa hindi napanalunan

Kapwa hindi napanalunan ang jackpot prize sa Grand Lotto 6/55 at Mega Lotto 6/45.

Sa draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), walang nakapag-uwi ng mahigit P54 million na jackpot prize sa Grand Lotto.

Ito ay makaraang walang makakuha ng winning number combination na 51 37 52 39 38 at 28.

Mayroon namang apat na nakakuha ng limang tamang numero na mag-uuwi ng P149,000 na premyo.

Samantala, wala ding nanalo pa sa mahigit P63 million na jackpot prize sa Mega Lotto.

Walang nakakuha ng winning number combination na 11 12 5 24 30 at 6.

Mayron namang 94 na nakakuha ng limang tamang numero at nanalo sila ng P10,000.

Read more...