7 patay sa insidente ng pamamaril sa isang brewing company sa Milwaukee

By Dona Dominguez-Cargullo February 27, 2020 - 06:25 AM

Pito ang patay sa insidente ng pamamaril sa isang brewing company sa Milwaukee City sa Wisconsin.

Nangyari ang pamamaril sa Miller Coors Brewing Company na malapit lang sa isang paaralan sa Milwaukee.

Kabilang sa nasawi ang isang suspek na napag-alaman ng mga otoridad na dating empleyado ng kumpanya at sinibak sa serbisyo ilang oras pa lang ang nakararaan.

Bumalik umano sa planta ang suspek bitbit ang baril at saka pinaputukan ang mga dati niyang katrabaho.

Mayroong 600 katao na nagtatrabaho sa lugar na pinangyarihan ng pamamaril.

TAGS: Inquirer News, mass shooting, Miller Coors Brewing Company, Milwaukee, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Shooting Incident, Tagalog breaking news, tagalog news website, Inquirer News, mass shooting, Miller Coors Brewing Company, Milwaukee, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Shooting Incident, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.