Norway nakapagtala na ng unang kaso ng COVID-19
By Dona Dominguez-Cargullo February 27, 2020 - 06:12 AM
Mayroon na ring kaso ng coronavirus disease 0 COVID-19 sa Norway.
Iniulat ng Norwegian health authorities ang unang kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa.
Ang pasyente ay mayroong history ng pagbiyahe sa China at kababalik lang ng Norway noong nakaraang linggo.
Maayos naman ang kondisyon ng pasyente at bumubuti na ang kalagayan.
Katunayan nang una itong suriin ay walang nakitang sintomas dito.
Umaasa naman ang Norwegian Institute of Public Health na hindi na makahahawa pa ng iba ang pasyente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.