Magnitude 3.1 na lindol tumama sa Agno, Pangasinan

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang bayan ng Agno sa Pangasinan.

Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 93 kilometers southwest ng Agno alas 1:40 ng madaling araw ng Huwebes (Feb. 27).

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng pagyanig at may lalim na 8 kilometers.

Hindi naman nakapagtala ng intensities bunsod ng naturang lindol.

Hindi rin inaasahang magdudulot ng pinsala ang lindol.

Kahapon ay ilang ulit niyanig ng may kalakasang lindol ang Agno.

Pinakamalakas na naitala ay ang magnitude 4.4 na tumama alas 8:23 ng umaga.

Read more...