Magnitude 3.9 na lindol naitala sa Sarangani, Davao Occidental

By Dona Dominguez-Cargullo February 27, 2020 - 06:00 AM

Niyanig ng magnitude 3.9 na lindol ang bayan ng Sarangani sa Davao Occidental.

Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 417 kilometers southeast ng Sarangani alas 3:38 ng madaling araw ng Huwebes (Feb. 27).

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng pagyanig at may lalim na 92 kilometers.

Hindi naman nakapagtala ng intensities bunsod ng naturang lindol.

Samantala, bago ito ay naitala rin ang magnitude 3.4 na lindol sa Cortes, Surigao Del Sur.

Ang sentro ng pagyanig ay naitala sa 42 kilometers northeast ng bayan ng Cortes alas 2:16 ng madaling araw.

21 kilometer ang lalim ng lindol at tectonic din ang origin.

Kapwa naman hindi inaasahang magdudulot ng pinsala ang dalawalang lindol.

TAGS: cortes, Davao Occidental, earthquake, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Philippine Media, Radyo Inquirer, Sarangani, surigao del sur, Tagalog breaking news, tagalog news website, cortes, Davao Occidental, earthquake, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Philippine Media, Radyo Inquirer, Sarangani, surigao del sur, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.