WATCH: Operasyon ng ABS-CBN, hindi na maaring ipagpatuloy kapag nag-expire ang prangkisa
Suportado ni House Deputy Speaker Johnny Pimentel ang pahayag ni dating Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona na hindi na maaring magpatuloy ang operasyon ng ABS-CBN kapag napaso na ang prangkisa nito sa May 4.
Aniya, wala nang basehan ang pagpapatuloy ng operasyon ng ABS-CBN kapag nag-expire na ang kasalukuyang prangkisa nito.
Sinabi pa ni Pimentel na humingi na ng legal opinion ang National Telecommunication Commission (NTC) sa Depatment of Justice (DOJ) pero ibinalik naman nito sa regulatory body ang pagpapasya.
Sa detalye, may ulat si Erwin Aguilon:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.