400 pulis, ipakakalat sa quarantine site sa Tarlac

Ipakakalat ang mahigit 400 pulis sa quarantine site sa Capas, Tarlac.

Ayon kay Brig. Gen. Rhodel Sermonia, hepe ng Central Luzon police, itatalaga ang nasabing bilang ng mga pulis sa Athletes’ Village sa New Clark City kung saan isinailalim sa quarantine ang 445 Filipino repatriates mula sa MV Diamond Princess cruise ship sa Yokohama, Japan.

Binigyan aniya ng direktiba ang mga pulis na maging alerto para matiyak ang kaayusan at kaligtasan sa lugar.

Namahagi naman aniya ng mask sa bawat pulis sa lugar.

Kabilang din sa mga isinailalim sa quarantine ang medical team at flight crew na umasiste sa mga Filipino mula sa nasabing cruise ship.

Read more...