Walang papasok na sama ng panahon sa bansa sa pagtatapos ng Pebrero – PAGASA
Patuloy na nakakaapekto ang Easterlies sa Silangang bahagi ng bansa.
Sa weather forecast, sinabi ni PAGASA weather specialist Raymond Ordinario na makikita ang ilang kaulapaan sa ibang bahagi ng bansa.
Gayunman, maliit pa rin aniya ang tsansa na makaranas ng thunderstorm sa araw ng Miyerkules.
Patuloy din aniya ang paghina ng Northeast Monsoon o Amihan.
Ngunit, asahan aniyang magkakaroon pa ng pagbugso ang Amihan sa linggong ito partikular sa bahagi ng Northern Luzon.
Wala rin aniyang inaasahang mabubuo o papasok na weather disturbance sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) hanggang sa pagtatapos ng buwan ng Pebrero.
Dahil dito, ani Ordinario, magiging maaliwalas ang panahon sa malaking bahagi ng bansa kabilang ang Metro Manila maliban na lamang sa isolated light rains.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.