Bagong disenyo ng MRT-7 station sa Quezon Memorial Circle, nabuo na

By Erwin Aguilon February 26, 2020 - 06:03 PM

Nakabuo na ang bagong disenyo ang Department of Transporation (DOTr) at private developer para Quezon Memorial Circle Station ng Metro Rail Transit 7 (MRT-7).

Sa pagdinig ng House Committee on Transportation, sinabi ni DOTr Undersecretary Timothy John Batan na nakatakda nilang ilatag ang bagong plano ng pagtatayo ng train station sa Quezon Memorial Circle sa araw ng Biyernes, February 28, sa Quezon City government.

Magugunita na nagpalabas ng cease and desist order ang QC government sa pagpapagawa ng MRT station sa QC circle dahil sa pangamba na masira ang integridad ng heritage park.

Pero hindi naman kasama sa kautusan ang pagtatayo ng riles sa ilalim ng QMC.

Tiniyak naman ng QC government na agad babawiin ang cease and desist order sakaling magkaroon ng win-win solution sa usapin.

Sinabi rin ni Batan sa pagdinig na ang magastos din kapag naaantala ang proyekto ng gobyerno.

TAGS: bagong disenyo ng MRT-7 station, dotr, MRT-7 station, Quezon Memorial Circle, Usec. Timothy John Batan, bagong disenyo ng MRT-7 station, dotr, MRT-7 station, Quezon Memorial Circle, Usec. Timothy John Batan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.