Sarangani, Davao Occidental muling nilindol

Muling niyanig ng lindol ang Sarangani, Davao Occidental Miyerkules ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang magnitude 3.8 na lindol sa 392 kilometers Southeast ng Sarangani dakong 5:11 ng hapon.

May lalim na 183 kilometers at tectonic ang origin ng lindol.

Ayon pa sa Phivolcs, wala namang napaulat na nasirang ari-arian sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...