Infrastructure projects, dapat bilisan ng gobyerno para maibsan ang epekto ng COVID-19

By Erwin Aguilon February 26, 2020 - 05:34 PM

Pinabibilisan ni House Speaker Alan Peter Cayetano sa economic at infrastructure team ang mga proyektong pang imprastraktura ng gobyerno para maibsan ang negatibong epekto ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa ekonomiya ng bansa lalo na sa tourism industry.

Ayon kay Cayetano, dapat na samantalahin at agahan ng economic team ang pagre-release ng pondo upang agad na maitayo ang mga infrastructure projects ng pamahalaan.

Inaasahan na ang nakalinyang construction projects sa ilalim ng “Build, Build, Build program” ng pamahalaan ay magbubunga ng maraming trabaho sa iba’t ibang bahagi ng bansa at mapapalakas din sa local economy.

Naniniwala si Cayetano na kayang saluhin nito ang posibleng “temporary displacement” sa tourism-related jobs sa gitna ng banta ng outbreak ng COVID-19.

Samantala, hinimok din ng lider ng Kamara ang local government units na makipag-ugnayan sa national government hinggil sa mga usapin na may kaugnayan sa budget alignment upang maiwasan ang delay sa implementasyon ng mga proyekto.

Nauna rito, sa pagdinig ng House Committee on Economic Affairs at Tourism, sinabi ng Department of Tourism (DOT) na inaasahang aabot sa P42.9 bilyon ang ikakalugi ng local tourism industry mula Pebrero hanggang Abril dahil sa pangambang dulot ng COVID-19.

TAGS: Alan Peter Cayetano, COVID-19, epekto ng COVID-19, infrastructure projects, Alan Peter Cayetano, COVID-19, epekto ng COVID-19, infrastructure projects

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.