Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Presidential spokesman Salvador Panelo na personal na ipaabot ang kanyang pakikiramay kay Vice President Leni Robredo dahil sa pagpanaw ng kanyang inang si Salvacion Gerona.
Ayon kay Panelo, sa ngayon, tambak pa ang trabaho ni Pangulong Duterte.
Nakaburol ang mga labi ni Ginang Gerona sa Eternal Gardens sa Balatas Road sa Naga City.
Ayon kay Panelo, siya ang magiging opisyal na kinatawan ng pangulo.
Bukod dito, sinabi ni Panelo na makikiramay din siya sa pamilya Robredo dahil sa personal niyang kaibigan ang bise presidente.
Matatandaang hindi naging maganda ang relasyon nina Pangulong Duterte at VP Robredo.
Ikinadidismaya kasi ng pangulo ang panay na pagbanat ni Robredo sa administrasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.