Galit ni Pangulong Duterte sa ABS-CBN, walang epekto sa franchise renewal

Walang epekto sa usaping ng pagre-renew ng prangkisa ang apela ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go kay Pangulong Rodrigo Duterte na irekonsidera ang kanyang galit sa ABS-CBN dahil sa hindi pag-ere sa kanyang campaign materials noong 2016 presidential elections.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, kukumbinsihin lamang ni Go ang pangulo na huwag nang magalit sa ABS-CBN.

Kapag hindi na aniya galit ang pangulo sa ABS-CBN, maaring napatawad na o nangangahulugan lamang ito na hindi na niya mumurahin ang may-ari ng TV station subalit hindi ang patungkol sa pagharang sa pagre-renew sa prangkisa ng ABS-CBN.

Maari rin aniyang hindi na idemanda ng pangulo ang ABS-CBN dahil sa pang-eestafa sa kanya.

Ayon kay Panelo, nasa Kongreso ang pagpapasya sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Hindi na rin aniya dapat na pulitikahin pa ang prangkisa ng ABS-CBN.

Sinabi pa ni Panelo na noon pa man, hindi nakikiaalam ang pangulo sa trabaho ng sangay ng lehislatura.

Read more...