Kita ng PCSO noong 2019, bumagsak

By Erwin Aguilon February 26, 2020 - 04:13 PM

Aabot sa P6.2 bilyon ang kitang nawala sa Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO sa operasyon ng small-town lottery.

Sa pagdinig ng House Committee on Games and Amusements na mas mababa ang kanilang kita noong nakalipas na taong 2019 na umabot lamang sa P19.87 bilyon kumpara sa P26.11 bilyon noong 2018.

Sinabi ni Gay Nadine Alvor, Legislative Liaison Officer ng PCSO na nakaapekto sa mababang kita ng ahensya ang pagpapasara ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng gaming activities ng PCSO noong Hulyo 2019.

Sakop ng direktiba na ito ng pangulo ang Lotto, STL, at Peryahan ng Bayan ng PCSO.

Agosto 2019 naman nang tuluyang tanggalin ni Pangulong Duterte ang suspensyon ng STL operations basta sumusunod lamang ito sa mga itinakdang kondisyon.

Nakapagsumite na rin naman aniya ang PCSO ng Implementing Rules and Regulatios (IRR) sa Office of the President noong nakalipas na buwan.

TAGS: Gay Nadine Alvor, House Committee on Games and Amusements, pcso, Gay Nadine Alvor, House Committee on Games and Amusements, pcso

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.