Isinumiteng listahan ni de Lima sa US para sa Magnitsky Act, mali – Palasyo
Mali ang listahan na isinumite ni Senador Leila de Lima sa pamahalaan ng Amerika na naglalaman ng pangalan ng mga opisyal ng gobyerno na bawal na pumasok sa kanilang bansa dahil Magnitsky Global Act.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, mali ang listahan kung wala roon ang pangalan ni de Lima.
Sa ilalim ng Magnitsky Global Act, bawal makapunta sa Amerika ang mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas na nasa likod ng pagpapakulong kay de Lima gaya halimbawa ni Pangulong Rodrigo duterte.
Ayon kay Panelo, maaaring nakakalimmutan ni de Lima na siya mismo ay isang human rights violator.
“You must remember na ‘yung amendment refers to violators of human rights, ‘di umano, and allegedly she’s one of those victims. But she’s forgetting that she’s also a violator of human rights. Kaya nga siya naka-demanda, eh. Kung hindi niya nilagay yung pangalan niya doon na number one, eh mali yung listahan niya. On the assumption na totoo yung sinasabi niya, kasama siya doon dapat,” ani Panelo.
Ayon kay Panelo, ito aniya ang dahilan kung kaya nakademanda si de Lima.
Nakakulong si de Lima sa Camp Crame, Quezon City dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga.
Ayon kay Panelo, hindi naman nababahala ang Palasyo sa listahan na isinumite ni de Lima sa Amerika.
Noon pa man aniya, wala na talagang interes si Pangulong Rodrigo Duterte na pumunta ng Amerika.
Pero ayon kay Panelo, iginagalang ng Palasyo ang pagpapasya ng Amerika.
May karapatan aniya ang alinmang estado na magpasya kung sinong mga dayuhan ang papasukin o hindi sa kanilang bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.