Problema sa ASF, tinututukan na ni Pangulong Duterte

By Chona Yu February 26, 2020 - 03:50 PM

Pinulong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga lokal na opisyal ng pamahalaan para talakayin at bigyang solusyon ang problema sa African Swine Fever (ASF), Martes ng gabi.

Kabilang sa pagpupulong sa Malakanyang sina Agriculture Secretary William Dar at Interior Secretary Eduardo Año.

Una rito, nagpalabas na ng Administrative order 22 si Pangulong Duterte na naghihikayat sa lahat ng ahensya at lokal na pamahalaan na mahigpit na ipatupad ang national zoning and movement plan para ma-kontrol ang pagkalat ng ASF sa mga baboy.

Una nang kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) na kumalat na ang ASF sa Mindanao region kung saan libong baboy na ang pinatay sa Davao City.

TAGS: ASF, DA Sec. William Dar, DILG Sec. Eduardo Año, Rodrigo Duterte, ASF, DA Sec. William Dar, DILG Sec. Eduardo Año, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.