Panukala para maglagay ng CCTV at dash cam ang lahat ng mga PUV isinusulong sa Kamara

By Erwin Aguilon February 26, 2020 - 11:55 AM

Isinusulong ni Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera ang panukala upang maglagay ng dashboard camera, closed circuit television (CCTV), at global positioning system (GPS) sa lahat ng pampublikong transportasyon.

Sa House Bill 3341 ni Herrera, inoobliga ang mga public utility vehicles (PUVs) at Transportation Network Vehicle Service (TNVS) tulad ng GRAB na maglagay ng dashboard cameras, CCTV at GPS bilang pagtugon sa standard safety equipment para mapangalagaan ang riding public.

Tinukoy ni Herrera ang maraming insidente at krimen na kinasangkutan ng mga pampublikong sasakyan tulad ng pagnanakaw, kidnapping, rape, sexual assault, harassment at murder.

Naniniwala ang kongresista na sa paglalagay ng mga safety equipment ay magagarantiya ang kaligtasan ng mga mananakay gayundin ang mga pedestrian at motorista.

Malaking tulong ang mga instrumentong ito para mai-dokumento at mai-record ang mga insidente na kinasangkutan sa kalsada gayundin sa loob ng sasakyan.

Nakasaad din sa panukala ang pagkakaroon ng special loaning program kung saan maaaring pautangin ang mga public transport operators at companies para makabili ng mga nabanggit na safety devices.

TAGS: cctv, dash cam, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, PUVs, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, TNVS, cctv, dash cam, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, PUVs, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, TNVS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.