Alden Richards, Judy Ann Santos gagawaran ng Ani ng Dangal Award ni Pangulong Duterte

By Chona Yu February 26, 2020 - 11:49 AM

Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng Ani ng Dangal Awards sa ilang natatanging personalidad mamayang alas 5:00 ng hapon sa Malakanyang.

Kabilang sa mga makatatanggap ng parangal ang mga artistang sina Alden Richards at Judy Ann Santos.

Ang Ani ng Dangal Awards ay ipinagkakaloob ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) sa mga natatanging personalidad na nakakuha ng international awards sa nakkalipas na taon.

Ito rin ang pinaka-highlight ng National Arts Month na ipinagdiriwang tuwing buwan ng Pebrero base na rin sa Presidential Proclamation No. 683 na nilagdaan noong 1991.

Ngayong taon, isang artist para sa Architecture and the Allied Arts, labing pito sa larangan ng Cinema, pito sa Dance, tatlo Literary Arts, walo sa Music, at labing anim sa Visual Arts ang makatatanggap ng parangal.

TAGS: ALden Richards, Ani ng Dangal Award, Inquirer News, Judy Ann Santos, National Commission for Culture and the Arts, ncca, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, President Rodrigo Duterte, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, ALden Richards, Ani ng Dangal Award, Inquirer News, Judy Ann Santos, National Commission for Culture and the Arts, ncca, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, President Rodrigo Duterte, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.