DOLE inirekomenda ang pagbibigay ng award sa mga Pinoy crew ng MV Diamond Princess

By Dona Dominguez-Cargullo February 26, 2020 - 11:01 AM

Inirekomenda ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagbibigay ng award sa mga Filipino crew n ng cruise ship na MV Diamond Princess.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, kinikilala ng ahensya ang commitment sa trabaho ng mga Pinoy Seafarers sa kabila ng banta ng coronavirus disease(COVID-19).

Ani Bello, dapat bigyan ng Bagong Bayani Awards ang mga Pinoy na crew ng MV Diamond Princess dahil patuloy silang nagserbisyo sa cruise ship sa kasagsagan ng pagsailalim nito sa quarantine period.

Ibinibigay ang Bagong Bayani Awards sa mga OFW na nagpakita ng “excellence” sa kanilang trabaho.

Nakikipag-ugnayan na din ang DOLE sa manning agency ng mga Pinoy seafarer na Magsaysay Maritime Corp., para talakayin ang usapin sa kontrata ng mga ito matapos ang kanilang 14 na araw na quarantine period.

TAGS: coronavirus disease, COVID-19, department of health, DOLE, Health, Inquirer News, mv diamond princess, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, pinoy seafarers, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, coronavirus disease, COVID-19, department of health, DOLE, Health, Inquirer News, mv diamond princess, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, pinoy seafarers, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.