56 na biktima ng human trafficking nailigtas sa Zamboanga City

By Dona Dominguez-Cargullo February 26, 2020 - 10:06 AM

Nailigtas ng mga otoridad ang mahigit 50 mga babae na hinihinalang biktima ng human trafficking sa Zamboanga City.

Napansin ng mga otoridad sa Zamboanga City airport ang kahina-hinalang kilos ng mga babae.

Sa inisyal na imbestigasyon pawang mula sa iba’t ibang bahagi ng Luzon at Visayas ang 56 na babae.

sa panayam sa mga biktima, inamin nilang sila ay ni-recruit para magtrabaho sa Malaysia.

Mula Zamboanga City airport ay dadalhin sila sa Malaysia sakay ng barko.

Pawang walang karampatang dokumento ang mga babae.

Pinaghahanap pa sa ngayon ang recruiter nila.

TAGS: human trafficking, Inquirer News, Malaysia, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Zamboanga Airport, Zamboanga City, human trafficking, Inquirer News, Malaysia, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Zamboanga Airport, Zamboanga City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.