Travel ban ipinatupad ng Japan sa Daegu City sa South korea

By Dona Dominguez-Cargullo February 26, 2020 - 09:51 AM

Nagpatupad na ng travel ban ang Japan sa mga dayuhan na galing sa Daegu City sa South Korea at sa kalapit na lugar na Cheongdo.

Ang Daegu City ang may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa South Korea at sentro ng outbreak ng sakit.

Ayon sa Japanese Foreign Ministry, lahat ng biyahero anuman ang lahi ay bawal pumasok ng Japan kung sila ay galing sa Daegu City at sa Cheongdo.

Pinayuhan din ng pamahalaan ng Japan ang mga mamamayan nito na iwasan muna ang mga hindi mahahalagang pagbiyahe patungo sa mga apektadong lugar sa South Korea.

TAGS: coronavirus disease, COVID-19, daegu city, department of health, Health, Inquirer News, Japan, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, south korea, Tagalog breaking news, tagalog news website, travel ban, coronavirus disease, COVID-19, daegu city, department of health, Health, Inquirer News, Japan, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, south korea, Tagalog breaking news, tagalog news website, travel ban

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.