Sitwasyon sa hotel na isinailalim sa lockdown sa Spain dahil COVID-19 binabantayan ng Embahada ng Pilipinas

Binabantayan ng mga tauhan ng embahada ng Pilipinas ang sitwasyon sa isang hotel sa Spain na isinailalim sa lockdown makaraang matuklasan na dalawang guests nito ang infected ng COVID-19.

Ayon kay Labor Attache Joan Lourdes Lavilla, sa ngayon wala pa silang natatanggap na ulat na may pinoy na na apektado ng lockdwon.

Ipinatupad ang lockdown sa hotelsa Canary Islands. .

Ito ay matapos malaman ng mga otoridad na mayroong mag-asawa na guest ng hotel na positibo sa COVID-19.

Ang apektadong hotel ay ang H-10 Costa Adeje Palace.

Nasa isang libong guests at mga empleyado ng hotel ang naka-quarantine ngayon.

Ayon kay Lavilla, mayroong 1,000 Pinoy sa Gran Canaria.

Read more...