Temporary extension sa prangkisa ng ABS-CBN kaya pang ihabol sa nalalabing 7 araw na sesyon ng Kamara
Kumpiyansa si Cagayan de Oro 2nd Dist. Rep Rufus Rodriguez na maihahabol pa sa nalalabing sesyon ng Kamara ang pagtalakay sa usapin sa prangkisa ng ABS-CBN.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Rodriguez na sang-ayon naman ang mga mambabatas kabilang si House Speaker Alan Peter Cayetano na dapat ay mabigyan ng extension ang ABS-CBN franchise.
Sa nalalabing pitong araw na sesyon ng Kamara sinabi ni Rodriguez na kaya pang maibigay ang temporary extension para magpatuloy ang operasyon ng giant network.
Kabilang aniya sa mga pagbabatayan sa posibleng pagpapalawig ng prangkisa ay ang “interest of equity” at ang pagtitiyak na hindi maaantala ang broadcast operation ng network, gayundin ang kanilang TV at entertainment operation.
Dagdag pa ni Rodriguez, hindi na kailangang magkaroon ng provisional authority mula sa National Telecommunications Commission (NTC).
Ito ay sandaling aprubahan ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang joint resolution na magpapalawig sa validity ng prangkisa ng ABS-CBN.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.