Agno, Pangasinan niyanig ng magnitiude 4.2 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang bayan ng Agno sa lalawigan ng Pangasinan.

Naitala ang pagyanig sa layong 94 kilometers southwest ng Agno alas 8:23 ng umaga.

Samantala, alas 8:52 naman ng umaga nang maitala ang magnitude 3.5 na pagyanig sa bayan pa rin ng Agno.

21 kilometers ang lalim ng ikalawang pagyanig at tectonic din nag origin.

Wala namang naitalang intensities bunsod ng dalawang pagyanig.

Hindi rin ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks ang lindol.

Read more...