Hinimok ng mga opisyal ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ng Amerika ang mga local governments, mga negosyo, at paaralan na agad bumuo ng plano para maawat ang pagkalat ng sakit.
Kabilang sa iminungkahi ng CDC ang pagpapaliban sa mass gatherings at pagpapatupad ng “teleworking”.
Pinangangambahan din ng mga health official sa Amerika ang posibilidad na maapektuhan ang drug supply chain sa US lalo pa at malaking bahagi ng sangkap sa paggawa ng gamot ay galing sa China.
Ayon kay Nancy Messonnier, senior official ng CDC, inaasahan na nila ang “community spread” ng sakit.
Mayroon nang 57 kaso ng COVID-19 sa US.
MOST READ
LATEST STORIES