WHO bilib sa pagtugon ng China kontra COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo February 26, 2020 - 07:55 AM

Kailangang maging handa ang mga bansa sa paglaganap pa ng coronavirus diease (COVID-19).

Ayon sa World Health Organization (WHO), kailangang ang mindset ng isang bansa ay nakatuon sa posibleng pagkakaroon ng panibagong kaso sa kada araw.

Sinabi ni Dr. Bruce Aylward, pinuno ng joint WHO-Chinese mission, dapat ding masiguro na nabibigyan ng sapat na impormasyon ang publiko tungkol sa sakit.

Partikular na pinahahanda ng WHO sa mga miyembrong bansa ay ang maraming hospital beds, isolation zones, respirators at oxygen para sa mga grabeng kaso.

Tinawag ni Aylward na “extraordinary mobilisation” ang pagtugon ng China sa COVID-19.

Ani Alyward, alam ng China ang gagawin para maiwasan pa ang pagdami ng nasasawi.

Dalawang linggong namalagi sa Beijing si Aylward at sa tatlo pang probinsya sa China kabilang ang sentro ng epidemya na Hubei Province.

Sinabi ni Alyward na base sa kaniyang obserbasyon, bawat isa sa China ay alam ang kanilang gagawin at alam ang kanilang tungkulin.

TAGS: China, coronavirus disease, COVID-19, department of health, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, WHO, China, coronavirus disease, COVID-19, department of health, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, WHO

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.