Ayon sa PAGASA, easterlies na ang nakaaapekto sa malaking bahagi ng bansa o mainit na hangin na mula sa Pacific Ocean.
Alas 5:00 ng umaga kanina, naitala ng PAGASA ang temperatura sa sumusunod na mga lugar:
PAGASA Science Garden, QC – 21.8 degrees Celsius
Baguio City – 14.4 degrees Celsius
Tanay. Rizal – 19 degrees Celsius
Laoag City – 20.6 degrees Celsius
Clark, Pampanga – 22.2 degrees Celsius
Bago tuluyang pumasok ang dry season o panahon ng tag-init, sinabi ni PAGASA weather specialist Chris Perez na muli pang babalik ang pag-iral ng amihan.
Pero ani Perez, hindi na magiging malakas ang bugso nito.